Kauna-unahang Eye Bank sa Region 3, Pinasinayaan!

Category: News

Oct 18, 2019

Kauna-unahang Eye Bank sa Region 3, Pinasinayaan!

Sa pangunguna ng Dr. Paulino J. Garcia Memorial Research and Medical Center (PJG), binuksan ang kauna-unahang Eye Bank Retrieval Center sa Region 3.

Magsisilbi itong satellite office and retrieval center ng Eye Bank Foundation of the Philippines sa Nueva Ecija.

Target ng Eye Bank na makipag-ugnayan sa mga kaanak ng namatay lalo na sa mga nasangkot sa matitinding aksidente.

Kukunin ang cornea ng mata ng mga donor, ipe-preserba at ililipat sa mga nangangailangan. Walang babayaran kapag indigent o hikahos sa buhay.

Sa pag-aaral ng Philippine Academy of Ophthalmology noong 2016, halos kalahating milyon ang bilang ng mga indibidwal na may corneal blindness sa bansa. Madalas na sanhi ng corneal blindness ay trauma, impeksyon, congenital o pagkapanganak, at komplikasyon mula sa cataract surgery.

Pinasinayaan ng Presidente at CEO ng Eye Bank Foundation of the Philippines, Dr. Minguita B. Padilla, at ng administrasyon ng PJG ang pagbubukas ng Eye Bank Retrieval Center sa rehiyon.